OPSwebsite2007ban-spch-V3.jpg (38455 bytes)


PGMA Speech during the walk-through of EDSA-Quezon Avenue loading and unloading provincial stations and connecting footbridges

Quezon Ave. cor. EDSA, Quezon City

05 December 2008

Maraming salamat Mayor Sonny Belmonte at maraming salamat sa ginagamit mo yung pondo ng Quezon City para tumulong gumawa ng mga kalsadang kinakailangan ng national government. Maraming salamat doon.

Chairman Bayani Fernando, maraming salamat din sa iyong malasakit sa kalagayan ng mga commuters mula sa probinsya at patungong probinsya. Gusto ko rin batiin yung ating mga congresspersons ng Quezon City: si Mat Defensor, si Annie Susano, si Nanette Daza; yung ating mga gobernador mula sa Central and Southern Luzon: si Governor Tet Garcia, Governor Mendoza, Governor Umali, Governor Lazaro at Governor Yap. At nandito rin yung mga mayor ng Metro Manila na si Mayor Fernando saka si Mayor Ureta, si Vice Mayor Bautista, ating mga opisyal ng DOTC at saka ng MMDA, ating mga members ng transport sector, congratulations sa ating lahat!

Dumaranas ang daigdig ng isang krisis sa ekonomiya na naging dahilan ng pagtataas ng presyo ng pagkain, langis at bigas dito sa Pilipinas at sa buong mundo. Dito sa Pilipinas wala tayong krisis, ngunit humaharap tayo sa mga malalakas na hamon. Sa maproblemang panahon tulad nito, tungkulin ng pamahalaan na tulungan mabigyan ng pananggalang ang sambayanang Pilipino laban sa nakakagulat na pagtaas ng presyo at mga pabigat.

Ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya upang makapaglagay ng pagkain sa bawat mesa at upang proteksiyunan ang inyong kita laban sa matataas na presyo at inflation. That is why, yesterday, the LTFRB under the chairmanship of Tom Lantion approved the rollback of transport fares. Tama ba ito Tom, ikorek mo sa akin, mag raise ka ng kamay mo kung mali ha?

• For taxis, it removed the 10 pesos add-on rate.

• For jeeps, it further reduced the fare by 50 centavos for the first four kilometers and 10 centavos for succeeding kilometers. So, the new rate is P7.50 for the first four kilometers and P1.40 for the succeeding kilometers.

• Metro Manila ordinary buses have a reduction of 50 centavos for the first five kilometers and 10 centavos for succeeding kilometers. The new rate is 9 pesos for the first five kilometers and P1.85 for the succeeding kilometers.

• For airconditioned Metro Manila buses, the fare reduction is 15 centavos for the succeeding kilometers. So, the new rate is 11 pesos for the first five kilometers and P2.20 for the succeeding kilometers for the airconditioned buses.

• Provincial buses reduction is 5 centavos per kilometer both ordinary and airconditioned. For ordinary buses it used to be P1.40 per kilometer, now it’s P1.35. For airconditioned buses it used to be P1.60, now it’s P1.55.

The effectivity is December 15. Congratulations! sa DOTC at LTFRB ngunit maraming, maraming salamat sa ating transport sector sa inyong malasakit.

Ang modernisasyon naman ng ating mga kalsada ay naglikha ng bagong uri ng mga commuters -- mga taong bumabiyahe araw-araw sa pamamagitan ng Kamaynilaan at mga probinsiya ng Central Luzon at pamamagitan ng Kamaynilaan at probinsiya ng Southern Luzon.

Ang mga probinsiya ng Central at Southern Luzon na malalapit sa Metro Manila ay pwede na nating tawaging exurbs imbes na bagong satellite areas na namumulaklak dahil sa mabilis at maginhawang pagbiyahe na sanhi naman ng ating modernong road network -- yung mga expressway natin.

Itong mga estudyanteng nag-aaral sa iba’t-ibang unibersidad at kolehiyo; mga negosyante, mga aplikante ng trabaho sa ibang bansa na nagdadala ng papeles sa POEA o sa mga employment agencies; mga empleyado ng mga BPO sa iba’t-ibang lungsod ng Kamaynilaan, at pati na rin ang mga mamamayan ng aking probinsiya na araw-araw nagbabiyahe sa Metro Manila upang magdala ng iba’t-ibang maipagbibili.

Malaking pakinabang ang naidulot sa Kamaynilaan ng araw-araw na pagko-commute. Nababawasan ang mga saligang amenities na kinakailangan ihandog kung dumadayo lamang. Pinasisigla din nitong mga commuters ang negosyo ng transportasyon at serbisyo sa Metro Manila at kanilang probinsya.
But without bus stops imagine that a senior citizen from Zambales who wants to go to Megamall will have to stop at the terminal of Victory in Pasay, then take a Metro Manila bus or MRT to reach Megamall. Kaya gumawa si Bayani ng bus stop sa Megamall, di ba Bayani? Tapos na. Maraming salamat.

An employee from Rustan’s, from say, San Fernando will have to disembark either at Pasay or Cubao provincial bus stations, then take the MRT or Metro Manila bus again to Makati. This is an additional expense. Kaya upang matulungan itong army ng commuters, dinadagdagan natin ang bilang ng mga provincial bus stop sa EDSA. At yun ang ginawang presentation kanina ni Bayani.

Inaasahan nating inayos ang mga paraan para sa mabilisang pag-akyat at pagbaba ng mga pasahero sa mga itinalagang ligtas na mga lugar. Bayani, hindi ba, penalty shall be imposed on buses that stray off from these bus stops.

The designation of the bus stops will end the “guerrilla” practice of picking up and unloading passengers along EDSA. And it will address the legitimate economic and safety imperatives that have been raised by provincial commuters and by the governors who have told us that their constituents were having a hard time. Kaya inimbita natin sila ngayon para maikwento nila sa mga commuters nila na nakita nila yung mga bus stop.

We will make sure our government is vigilant in bringing government services to the people. Nawa’y makapagdulot sa ating kapwa Pilipino ang proyektong ito ng pangkabuhayang pagkakataon at makataong dignidad lalo na ngayong Kapaskuhan.

Kaya sa ating transport sector, salamat sa Christmas gift ninyo sa mamamayan. At sa MMDA, salamat rin sa Christmas gift ninyo sa mga taga Central Luzon at Southern Luzon.

Maraming salamat sa inyong lahat.

[HOME]