|
Maraming salamat, Mayor Sonny Belmonte, sa iyong
pagpakilala, at maraming salamat sa laging suporta mo sa ating pamahalaang
national.
Congresswoman Nannete Daza, congratulations sa iyong mga initiative gaya
nito.
Mga officials ng national government sa transportation at energy, mga local
officials ng Quezon City, sa inyong lahat, mga local official ng Quezon
City, at sa ating mga tricycle drivers, maligayang Pasko.
Maaga ang ating Pasko – five days early. Maligayang Pasko sa inyong lahat,
at ngayong nagsisimbang gabi na tayo, dapat bilangin natin lahat ng mga
biyaya natin at tingnan natin ang kinabukasan na mas malaki ang ating pag
asa, ang ating kumpiyansa, ating optimism.
Gaya ng sabi ni Sonny Belmonte, nakakagulat! Ang Philippine economy had an
added kick for the last quarter, at itong added kick ay sa kabila ng
kahirapan sa mundo. Two-thirds of the globe is now in recession pero ang
Pilipinas, hindi.
Kaya kailangan magsama-sama ang taungbayan nitong pasko, magdiriwang ng
pananampalataya at pamilya at ang ating pamayanan ay dapat magsama-sama at
isantabi na yung pag-aalitan at pagkakaiba sa pulitika. At itukoy natin kung
ano ang magandang positibong magagawa nating lahat magkasama para
pag-ibayuhin ang ating mga buhay.
Napag-usapan ni Sonny yung nakakagulat, dahil sa gitna ng krisis -- hindi
mapagkakaila na may krisis ang pandaigdigang ekonomiya -- ang hamon sa atin
ay huwag maging krisis sa Pilipinas ang krisis ng daigdig.
At ang panahon tulad nito, tungkulin ng pamahalaan na tulungan ang
taungbayan na makaraos sa mga pahirap na dala ng inflation at humihinang
ekonomiya ng ibang bayan.
And during this troubled time, it is the role of government to help insulate
the Flipino people from shocks and economic pressures. Kaya ginagawa ng
inyong pamahalaan -- executive, legislative, national, city -- ang lahat na
makakaya upang may pagkain sa bawat mesa, at bigyan proteksyon ang kinikita
ninyo, pati mga tricycle drivers, to put food on the table and protect your
earnings.
At ituloy-tuloy natin ang ating pamumuhunan sa ating sistema ng kalinga sa
kalusugan, edukasyon, serbisyo sosyal.
At yung sinasabi na suwerte. Siguro suwerte tayo dahil nagsikap tayo para
maging suwerte.
Kasi kundi dahil sa mga masasakit na reporma na ginawa natin sa nakaraang
pitong taon -- at salamat, si Nannete ay isang malaking bahagi nung mga
repormang yun sa Kongreso -- the global crisis would have become a
Philippine crisis as well.
Sa halip sa magulong-magulong kapaligiran sa mundo, sabi ng mga eksperto ng
mundo, ang Pilipinas ay parang isla ng mapayapang ekonomiya. Ngunit itong
ating kalakasan at katatagan ng taungbayan at ekonomiya ay hindi pa rin
sapat na konsuwelo sa karaniwang Filipino kung siya kailangang magbayad ng
mas mataas na presyo para sa mga saligang pangangailangan.
At alam natin ang mga pressures ninyo, sumasakay sa pasahe, mga namamasada.
Hindi pa natin makalimutan yung inyong pressures na hinarap ninyo ilang
buwan lang nakaraan.
Hindi natin nakakalimutan yung matataas na presyo, yung matataas na
inflation; at kahit na bumababa na ngayon ang mga presyo nito, siyempre alam
natin na nagulat kayo at nag aalala sa seguridad ng trabaho at kung ano ang
mabibili ng inyong kinikita.
Lahat tayo ay nag aabala dito, kaya tayo nagtatrabaho, nagsisikap para
manatiling mababa ang presyo ng bigas, ng pagkain at ng ating fuel, lalo na
sa mga tricycle drivers at operators.
At ito na nga ang pakay ng programa ni Congressman Nannete Daza na kinuwento
niya sa akin nung kami ay nag-dinner doon sa Malakanyang. Kinuwento niya
itong proyektong ito -- at siyempre si Nannete, talagang aggressive yan, at
kumuha siya ng tulong sa ating national government na idadaan natin yung
pondo at salamat naman at pumayag si Mayor Sonny Belmonte sa Quezon City
government.
At tama naman na ipinaglalaban kayong mga tri-cycle ni Nannete dahil malaki
ang papel ng mga tri-cycle sa pang-araw-araw na pamumuhay ng Filipino –
multipurpose nakakapasok sa mga lugar na hindi napapasukan ng jeep o kotse,
at marami pa rin sa dako ng lungsod na tanging tri-cycle lamang ang
ginagamit na pampasaherong sasakyan.
Kaya mahalaga na tulungan natin ang mga nagta-tri-cycle upang hindi na
kailangan magsingil pa ng pataas na pataas na pamasahe ang napakaraming
sumasakay sa inyo sa mga liblib na barangay.
Kaya ito isang magandang halimbawa ng pagtulong -- na tulungan ang mga
tri-cycle drivers na magpalit ng makina upang makagamit ng LPG.
Gaano na kahalaga ang mas mura ngayon, Nannete? Hindi ba 50 percent na ng
gasolina ang LPG? Ang sabi nga ni Sonny Belmonte, 80 percent na ng taxi ay
nag-LPG. Kaya sabi ni Nannete, tulungan nga natin yung mga tri-cycle na
magkaroon din ng savings sa pamamagitan ng LPG.
Inaangkat natin halos lahat ang ating pangangailangan ng krudo kaya yun ang
isang problema, ngunit tayo may kaunting natural gas mula sa tinatawag na
malampaya project.
At itong natural gas na ito ay nakakatulong upang mabawasan ang dami ng
inaangkat na langis, kaya ang LPG ay sagot sa krudo dahil meron tayong LPG
na puwedeng manggaling sa sarili natin. Although marami pa rin tayong
inaangkat, kaya’t pumayag tayo na tulungan ang ilang mga tri-cycle drivers
and operators na nandito ngayon na mabigyan ni Nannete ng LPG conversion kit
at upang tulungan punduhan ito.
Kasi nung sinabi ko kay Nonoy Andaya, nagkakamot ng ulo, saan kukunin ang
pondo nito, sabi niya. Sabi ko, isali sa programa ng pondo ng engine
conversion mula sa katas ng VAT.
Kung naalala ng ating DOTC officials, kamakailan lang… Kasi nung tumaas ang
krudo, tumaas din ang collection ng buwis. Kaya yung itinaas na yun ay
ginamit natin para tumulong sa mga naghihirap sa pagtaas ng krudo; at bahagi
ng may ginamit natin para yung mga jeepney ba yun ay mag-convert sa LPG.
Kaya ngayon, itong pondong ito ay yun ang pagkukuhanan natin para tulungan
ang project ni Nannete.
Pinadala lang ni Secretary Angie Reyes si USec Ampatuan para ipaalala na
huwag kalimutan ikumpleto yung proseso ng safety approval ng DOE itong
conversion kit na ito.
Itinatatag nga natin ito -- program “katas ng VAT” -- noong Hunyo, noong
panahon na tumaas ang presyo ng gasolina at nagkaroon ang pamahalaan ng
karagdagang pondo.
Kaya ito, ibinabalik natin sa mamamayan, binabalik natin sa mga jeepney
driver, jeepney operator. At ito ay pang-sukli sa mga mamamayan ng kinita ng
ating pag-angat bilang pamumuhunan sa taungbayan sa lahat ng programa
nagtataguyod ng patuloy nating pag-unlad at sasagip sa pagdurusa ng
mahihirap na sila ang unang tinatamaan pagtumatalon ang presyo, lalo na sa
langis.
Ngayon bumaba na ang presyo ng gasoline, diesel at LPG, pero hindi natin
alam kung ano ang mangyayari sa kinabukasan, kaya mabuting meron option na
ito.
Pero ngayon at bumaba ang presyo ng LPG, gasolina at krudo, ayaw ko naman
pabayaan ang pagkakataon na magpasalamat naman muli sa mga drivers ng bus at
jeep ng Central Luzon, Southern Luzon at Kamaynilaan, dahil nung bumaba ang
presyo ng langis, krudo at LPG, itong mga bus at jeep ay pumayag agad na
bumaba ang pasahe mula noong ika-15 ng Disyembre.
Pasalamatan natin lahat ang mga bus at mga jeepney. Ito na ang kilos ng
taungbayan -- ng private sector, ng transport sector -- ay nagbibigay sa
atin ng buong-loob tungkol sa ating kinabukasan, at tunkol sa pag-asa
optimism, ang resilience ng taungbayan Filipino.
Sabi ng mga survey, 70 percent na mga Filipino ay tumatanaw sa kinabukasang
buo ang pag asa. Tayo naman – executive, legislative, national, city --
sisiguraduhin na matiyak ng pamahalaan na magdala ng serbisyong bayan sa
ating taungbayan.
Kaya itong araw na ito, nagpapasalamat tayo kay Nannete sa napakagandang
ideya, napakagandang aguinaldo sa ating mga tricycle drivers at operators.
Sa inyo at sa lahat ng mga narito, maligayang pasko, salubungin natin ang
darating na bagong taon na punong-puno ang puso ng pag asa, at pagtiwala sa
ating kakayahan. Merry Christmas, congratulations and thank you. |