OPSwebsite2007ban-spch-V3.jpg (38455 bytes)


PGMA's Speech during the 110th Anniversary of the Proclamation of Philippine Independence

Plaza San Lorenzo Ruiz, Rizal Park, Manila June 12, 2008

12 June 2008

Maraming salamat, Kalihim Lapus.

Excellencies of the Diplomatic Corps; Mayor Lim; the Congressman from this district, Congressman Amado Bagatsing; our other Congress persons who are here today with us: Congressman Benny Abante, Congressman Asilo, Congressman Roxas, Congresswoman Susano -- Oh? No, I greeted Bagatsing first, it's his district, okay. It's his district, okay. Didn't I greet you first? Okay -- (laughter) our members of the Committee who worked very hard to make this out-of-the-box Independence Day Commemoration headed by Secretary Lapus but we have Chairman Ambeth Ocampo who's been very active as well; other members of the Cabinet and national government officials who are here today; our officers of the Armed Forces and the police; non-government organizations; mga ibang kasama ko sa pamahalaan; mga Kababayan; ladies and gentlemen.

Happy 110th Anniversary of the Republic of the Philippines!
Mga Kababayan:

Isang siglo’t isang dekada na ang nakalipas mula noong ideklara ang kasarinlan ng bagong Republikang Pilipinas doon sa Kawit, Cavite.
Noon tulad din ngayon, maraming banta at maraming hamon ang hinarap ng ating bayan. Kahit isinigaw na ang kasarinlan sa Kawit, marami pa ring bahagi ng Pilipinas ang nasa ilalim ng puwersa ng kolonyalismo.
Nguni’t hindi umatras ang mga bayaning nagtatag ng ating bayan. Hindi sila nagpagapi sa anumang pag-aalinlangan tungkol sa kanilang magiging kinabukasan. Bagkus, pinalakas nila ang loob ng buong sambayanan upang ipaalam sa buong mundo na may bagong silang na bansa, ang bansang Pilipinas, na handang lumahok sa komunidad ng malalayang bansa sa buong mundo.
Sa kasalukuyang panahon, sa harap ng mga banta at hamon na hatid ng kapalaran ng buong mundo, dapat nating isaloob at patuloy na buhayin ang mga katangiang nagbigay-dakila sa ating mga ama, ina ng ating bayan. Ang kanilang magiging makabayan, ang pagmamalasakit sa kapwa, ang tibay ng kanilang kapasiyahan na magtatag at magtanggol sa isang malaya at maunlad na bansa.
Para sa ating Independence Day sa taong ito, ang bumabalot na tema ay ang “Republic Service sa Ganap na Kalayaan at Kaunlaran.”

Chairman Ambeth Ocampo was telling me, was telling us about his first chairmanship of the working group in 2002, that the parade was too short. I was telling him I wasn't really scolding him because it had been the Cabinet members who said, "Let's make the parade short." But after the parade I was watching TV and one of the citizens who came all the way from Isabela told the TV reporter, "I came all the way from Isabela to see all those floats and I didn't see too many of them." So it's really very difficult to figure out what is the right length of a parade. Anyway, this year we have no such dilemna, but we have decided that in keeping with how we are trying to conserve our resources so that we can give direct service to the people during this period of high world prices of oil and food, we have decided to dispense with the parade and use the budget instead to give direct service to the poor.

Kaya binibigyang diin ng temang ito ang nangingibabaw na tungkulin ng ating pamahalaan na paglingkuran ang mamamayan, upang mabigyan ng katubusan ang mahaba nating pakikibaka para sa kalayaan, at upang magkaroon ng kaganapan ang pambansang kaunlaran.
Ang pananagutang maglingkod ay lalong matingkad na ihandog sa hanay ng mahihirap, pinakamahihirap sa ating kababayan, na kasalukuyang hinahagupit ng mga kasalukuyang suliranin hatid ng pandaigdigang ekonomiya. Kung hindi man natin kayang iwasan ang mga problemang ito na angkat mula sa ibayong dako, saklaw pa rin ng ating tungkulin ang mamahagi ng tulong para sa pinahihirapan nito.
Nakapagtindig ng matipunong ekonomiya ang Pilipinas, na tumutulong harapin ang hamon ng panmundong sibad ng presyo ng pagkain at langis. Nagbubunga na ang ating pagsisikap: sa 2007 naabot ng ekonomiya ang pinakamataas na paglago sa mahigit tatlumpung taon, malakas ang piso, malapit na nating mabalanse ang budget.

Bunga ng pagsigla ng ekonomiya, nakapamumuhunan tayo sa mga pangunahing sektor para sanggahan ang dagok sa maralita ng tumatalong halaga ng bigas at krudo. Naitutuloy din nating mamuhunan sa kailangang imprastraktura gaya ng mga kalsada, mga tulay, edukasyon, para banggitin ang ilan lamang. Habang binabalanse natin ito mga napaka-kailangang pamumuhunan sa pangakong matupad ang ating mga obligasyong piskal at mabalanse ang budget sa 2010.

Ang katatagan ng mga batayan ng ating ekonomiya ay natutulungan din ng dumadaming iba’t-ibang bansang bumibili ng ating produkto. Halimbawa, hindi na tayo gaano umaasa lamang sa ating benta sa Amerika at di-hamak malakas na tayong nakakapasok sa Tsina at iba pang mga palengke sa Asya.

Walang pagod tayong nagpupursige upang tugunan ang mga hamong bunga ng paghina ng ekonomiya ng mundo at pagsipa ng mga presyo ng langis at pagkain. Malubha ang tama sa mahihirap nitong mga puwersang pandaigdig.

Maliwanag na ang kalagayan ng ekonomiya, dala ng mahal na langis at pagkain sa mundo ay isang hamon, at hinaharap natin ito nang buong sigasig. Nakikialam tayo upang ipagtanggol ang ating pinakamahihirap.

Nagsisikap ang pamahalaan upang tiyakin na ang kasapatan ng pagkain ng bansa ay matatag at maglagay tayo ng pagkain sa hapag ng bawat Pilipino.

May tatlong haligi ang ating plano: tiyaking sapat ang ating bigas, subaybayan ang maayos na pagbebenta ng bigas, at hulihin ang mga nagtatago at nagpupuslit ng bigas.

Marami na ang mga nagsasamantala na ating natunton, napigil at nakakasuhan. Bagaman matagal ang proseso ng batas, at tama naman sa demokrasya, huwag magkamali: mabilis tayong kumikilos nang buong bagsik laban sa mga lumalabag sa batas.

Nakatutok din sa pinakamahihirap ang ating pagsisikap, upang siguruhin na sila ang mangungunang makakuha ng bigas na kailangan nila.
We have adequate supply of rice today, and we have a solid plan for self-sufficiency. This is important for our domestic and international audiences to appreciate. Samantala, nag-aambag tayo ng bigas at pagkain para sa reserba, ngunit para sa hinaharap. Magagawa nating maghatid ng pagkain sa hapag. And I am gratified and grateful to the Lord that notwithstanding the very high price of rice in the whole world market in the last two quarters, hunger has gone down significantly. Thank God for that.

Lagi tayong nag-aabala sa ibinabayad ng kuryente ng mga pamilya. Habang kaya gusto nating bumaba ito.

Pagdating sa langis, pinakamabigat ang tama ng mataas na presyo ng diesel at pang araw-araw na bilihin sa maralita. Bagaman pandaigdigang problema ang mataas na presyo ng langis at labas sa kapangyarihan ng isang gobyerno, nagpapatupad tayo ng mga programa upang tulungan ang ating mamamayan. Ibinaba natin ang taripa o customs duty sa langis, ginawa na lamang nating zero. Nagbibigay rin tayo ng pera para sa pinakamahihirap para tulungan silang makayaning bayaran ang kanilang kuryente.

Subalit anuman ang ating gawin, pangdaigdigang problema ito, at dapat tayong magbalikatan upang maibsan ito, upang magkaroon ng lutas sa malayong hinaharap.

Sa enerhiya, gaya ng sa pagkain, pandaigdigan itong isyu at labas sa ating kakayahan ang malaking bahagi na magagawa nating kilos. Gayon pa man, nagbibigay tayo ng kapili-piling pang-ginhawa sa krudo at langis na nakatutok sa pinaka-nangangailangan. Nagsusulong tayo ng mga mahigpit na pagkilos upang magtipid sa enerhiya at mas umasa sa sarili nating pagkukunan ng enerhiya, sa bisa ng mga investment sa natural gas, geothermal at kuryenteng galing sa araw at hangin. At salamat din na meron tayong produksiyon ng sariling krudo para umabot sa diyes porsiyento ng ating pangangailangan ang sarili nating produksiyon ng krudo.

Malaking pabigat sa buong mundo at sa Pilipinas ang mga problema ng pandaigdigang ekonomiya. At mamumuhunan tayo sa taong-bayan upang makaraos sa panahong ito.

Marami ang kailangang gawin. Magtatrabaho tayo upang tuparin ang ating mga planong reporma para sa Pilipinas. Ipaglalaban natin ang Ekonomiya, Edukasyon at ang Environment.

Itinaguyod ng ating mga sinaunang bayani ang isang bagong bayan sa pamamagitan ng kanilang pagbuklod, pagsakripisyo at pag-iisang damdamin. Kung pupunuin din ang ating mga puso ng kasintulad na pagmamahal sa bayan, makakamit din natin ang matatamis na bunga ng kalayaan, katarungan at kaunlaran. Makakahanay din natin ang ibang mga dakila’t malalayang bansa sa mundo.
Tungo sa matayog na layuning ito, hinihiling ko ngayon na magkaisa tayong lahat alang-alang sa Inang Bayan, alang-alang sa pamilya ng bawat mamamayan, alang-alang sa mga darating pang salinlahi.

Muli, sa ating lahat, Happy 110th Independence Day.

Maraming salamat sa inyong lahat.

[HOME]